Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. My first thought was the devil. But he wouldn't need to press the doorbell. He could simply walked inside the room. Even his men could do that. Ngunit nang pumasok ang isang lalaking staff ng hotel ay natigil ang pag-iisip ko. Yumuko lamang siya sa amin ni Mr. Wesley bago diretsong pumasok dala-dala ang trolley. Kahit nakatakip ay naaamoy ko na ang mga pagkaing naroon. Muli kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Isa-isa niya iyong inilagay sa mahabang mesa na nasa kabilang parte ng silid. Muli siyang yumuko sa amin bago lumabas dala ang trolley. Nilapitan iyon ni Mr. Wesley. Isa-isa niyang tiningnan ang mga pagkain bago tumango at sumulyap sa akin. "I guess you can eat now." Maingay akong lumunok. Lumapit na rin ako