“Bakit hindi mo agad sinabi sa ‘kin, Dani?” marahang sumbat ng ama. Nababanaag ni Daneris ang pag-aalala sa mukha nito. “Kaya ko naman ang sarili ko, ‘Tay. Kaso, nakakainis talaga ang taong ‘yon.” Nakasimangot pa siya. “Ipa-blotter mo na ‘yon sa susunod, kung hindi ka pa rin niya talaga titigilan. Aba, college ka pa lang ay ini-stalk ka na ng taong ‘yon? Hindi ko alam ‘yon, ah,” naiiling na anito bago uminom ng soft drink. Nakita niyang parang may malalim itong iniisip. “Opo, ‘Tay. Hindi ko na po sinabi sa inyo dahil ayokong dagdagan pa ang problema n’yo noon.” Ikinuwento na nga niya ang nangyari. At dahil lumipat sila dahil sa problema nila noon ay nakaiwas din siya mula rito. Pero ngayong alam na nito kung nasaan ang talyer ng ama ay malamang malalaman na rin nito ang tirahan nila s