Bumitiw saglit ang binata kay Daneris upang yakapin nito ang caretaker ng bahay. Halatang malapit ang mga ito sa isa’t isa. Ipinakilala siya ng binata kay Aling Merta. Pinapasok naman sila agad nito para doon na mag-usap sa loob ng mansion. “Hay! Kung alam mo lang na kay tagal ko nang hinihintay na bumalik dito si Sir Callum,” kuwento ng caretaker sa dalaga. “Masaya ako at may kasama pa siya!” “Aling Merta…” mahinang saway ng binata. “Ano ka ba? Kilala ko ang girlfriend mo. Sikat ‘to, eh! Siya ang endorser ng kotse mo, ‘di ba?” ang ayaw paawat na matabang babae. Nakatawa ito nang marahan at saka bumaling itong muli sa kanya. “Hindi ko akalain na mas maganda ka pala sa personal!” “Salamat po,” nasabi na lang niyang nakangiti, medyo napahiya. “Dumaan lang kami rito, Aling Merta. ‘Kako