Hinawakan ni Callum ang kamay ni Dani. “Bukas ko na ipapakita sa ‘yo ang kusina at dining room. Pupunta naman tayo roon para kumain,” sabi nito habang umaakyat sila sa malapad na hagdang kulay asul na mapusyaw. Papunta itong pangalawang palapag ng malaking bahay. Halos lahat ay gawa sa tiles. Ang safety rail ng hagdan ay gawa sa wrought iron at matibay na kahoy bilang hawakan. Makinis, makintab, at malinis ito. “T-teka lang. Mag-te-text lang ako kay Tatay na hindi ako uuwi. Sasabihin ko na lang sa kanya na makikitulog ako kina Evie at ite-text ko na rin si Evie para hindi madulas kung saka-sakaling magtanong si Tatay sa kanya.” Napangiti sa kanya ang binata. “Sinungaling ka, ah. Bakit kasi ayaw mo pa akong ipakilala sa tatay mo hanggang ngayon?” Hayun na naman sila sa paksang iyon. “A