“You look distracted lately,” puna ni Callum habang naglalakad silang magkatipan sa Baywalk nang magkahawak-kamay. “May problema ka ba na hindi mo sinasabi sa ‘kin?” Lumingon ito sa dalaga pero hindi sinalubong ni Daneris ang mata nito. “W-wala naman.” Pinilit pa niyang ngumiti. “Medyo pagod lang siguro ako.” “Sabagay. Napaka-busy mo pa rin hanggang ngayon dahil sa X-Rave. Dahil sa ‘yo, kumikita nang malakas ang kompanya ko.” Napatawa siya rito. “Magagaling lang ang nasa marketing at sales department mo kaya gano’n. Ano bang ginawa ko? Nag-pose lang para magpa-picture… nagpa-interview… iyon lang!” “Sa pagkakarinig ko, may mga lalaking bumili ng X-Rave dahil naniniwala silang makikita ka nila sa personal sa mga showroom,” tukso nito. “May fanbase ka na.” Umirap at umismid siya rito. “T