“Paano ‘yan, Dani? Hindi mo pa rin ba sasabihin sa kanya ang totoo?” ang anang Evie kay Daneris. Nasa bahay siya ng kaibigan isang araw nang day off nito. Nasa sala sila at magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Nabibigatan na siya sa sitwasyon niya. Aminado siya noong una na gusto niya lang makita ang binata pero hindi niya inasahang agad na mahulog ang loob niya rito at nakipagrelasyon pa siya. Heto at nahihirapan siya dahil sa lihim na itinatago niya mula sa binata. Hindi pa rin niya maamin dito na anak siya ni Jonathan Santos na kinasusuklaman nito nang dahil sa nangyari noon at ikinaresulta ng pagkamatay ng mga magulang nito at sa peklat ng mukha ng binata. “Gusto ko na talaga, Evie, eh. Kaso… naduduwag ako sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan o sa