Simpleng ngumiti si Mandy kay Callum. “Nasa first page ka pa lang, Cal. Tingnan mo muna ang ibang pages bago ka magalit sa ‘kin o bago mo ‘ko pagsabihang gawa-gawa ko lang ‘yan para lang tanggapin mo ‘kong muli sa buhay mo.” “After five years, you decided to come to me, to give you a second chance with the expense of my girlfriend? You’re a really selfish person, Mandy. Sarili mo lang ang iniisip mo. All this time. Saan ang pagbabagong sinasabi mo, ha?” he mocked. “Tingnan mo lang ang iba pang pages, Cal. Huwag kang magpakabulag sa kanya. She’s been lying to you all this time! Makikita mong hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo basta’t tingnan mo lang ang iba pang pages!” Ikinumpas nito ang folder. Napalunok siya. Tinatantiya niya ang kausap. Nang hindi pa rin siya gumalaw para puluting mul