Ngayon ay hindi nagbabago ang pagtingin ni Callum kay Mandy. She was just some trash in his life that he should not have picked up in the first place. Hindi niya alam kung ilang minuto silang nasa ganoong ayos. Narinig niya ang pagkatok sa pinto at pumasok si Dani. Nabitiwan nito ang dalang paper bag sa sahig. Nakita niya ang pagkamangha at takot sa mga mata nitong napatingin kay Mandy. “Leave us, Mandy,” utos niya sa ex. “Pero…” protesta ng babae. “Huwag mo ‘kong pilitin na kaladkarin ka palabas ng gusali ko!” aniya sa boses na mahina pero puno ng pagbabanta. Nagkiskis ang mga bagang niya. Tumalikod ito sa kanya at umalis pero huminto muna ito sa harap ni Dani. “Ito na ang katapusan ng kaligayahan mo, babaeng sinungaling!” sabi nito bago tuluyang umalis at isinara ang pinto nang pa