“Evie, alam na niya!” Napahagulhol si Dani. Niyakap naman siya ng kaibigan at hinagod ang kanyang likod. Wala itong masabi. Nasa ganoong ayos sila nang maratnan ng kanyang ama. “O, ano’ng nangyayari diyan, Evie?” alalang tanong ng ama. Hindi naman siya makapagsalita kaya si Evie na ang nagkuwento sa ama niya. Nakita niyang tila pinagsakluban ito ng langit at lupa. Pabagsak itong naupo sa sofa. Marahan itong napaangat ng mukha sa kanya. “B-bakit mo ginawa ‘yon, Dani?” “’Tay…” Umiling siya. “Hindi ko po sinasadya. Nang ialok sa ‘kin ni Peter ang trabahong ‘yon at nalaman ko kung sino ang may-ari ng kompanya, sinabi ko sa sarili kong gusto ko lang siyang makita… H-hindi ko naman alam na… mahuhulog kaagad ang loob ko sa kanya, eh. Mahal ko talaga siya, ‘Tay!” sinisinok niyang sabi at rumag