Nasa gitna ako ng dilim at ramdam ko ang lamig ng paligid ng makita ko si Aero na may hawak na dalawang bata at malayo sa akin. Hindi ko makita ng mukha ng dalawang bata na kasama niya pero iba ang nararamdaman ko sa kanila. Parang kilala ko ang mga batang iyon kahit, madilim ang kanilang mga mukha. Sinubukan kong humakbang pero hindi ko magalaw ang aking paa. Iniangat ko naman ang kamay ko pero hindi ko rin ito magawang igalaw. Mata ko lang ang gumagana ng oras na yon. Hindi ko rin magawang sumigaw at tawagin si Aero. Unti unti silang lumalayo sa akin at nakakaramdam ako ng kirot sa kalooban ko. Lungkot ang gumuguhit sa mata nila habang nakatitig sa akin at naghihintay na pumunta ako doon pero manhid ang paa ko. Nakaramdam ako ng takot dahil unti unti na silang naglalaho sa paningin k