Panay ang iyak ni Genesis habang nasa sasakyan kami. Araw na ng libing ng mga magulang niya. Hinahawakan ko ang kamay niya pero iniiwas niya ito sa akin. Hindi ko man lang alam kung ano na nga ba ang alam niya tungkol sa akin lalo ngayon na kasama niya pa ang kapatid niya. Ayoko rin naman na mawala ang kapatid niya at mabuti na lang ay hindi ito napuruhan. Galos lang ang natamo ni Rion sa aksidente. Baka tuluyan niya na ako iwanan kapag pati si Rion ay nadamay pa sa plano ko. Namumugtog na ang kanyang mga mata pero kahit anong gawin ko ay hindi niya na ito pinapansin. Pinagbuksan ko siya ng tubig at agad naman niya itong kinuha at ininom. "Hindi ko kayang wala ang mga magulang ko. Sila lang ang naging kakampi ko." Nanginginig niyang sabi sa akin at muli siyang umiyak. I've caused s