Tahimik lang kami sa byahe papunta sa bahay para maglinis at ayusin ang paglalagyan ng kabaong nila nanay at tatay. Hindi pa rin ako makapaniwala at sa isang kapabayaan ay nawalan ako ng magulang. "Gen, ipaalam mo na lang sa mga kamag - anak niyo ang nangyari." Bilin sa akin ni Aero habang nasa biyahe kami pero tulala lang ako, nakadungaw sa bintana, inaalala ang huling pag - uusap namin. "Nasabi ko na po sa kanila, mamaya po ay pupunta sila Tito Samuel." Sagot naman ni Rion sa amin at nagkatinginan na lang kami ni Aero. Wala ako sa sarili ko pero pasalamat ako sa kapatid ko na kahit isa siya sa nagkaroon ng sugat at kasama niya pa mismo ang mga magulang ko ay nagagawa niya pa rin mag - isip ng matino. Hindi ko man lang naaalala na ipaalam sa kamag - anak namin ang nangyari dahil mas