"Anong meron at napasugod ka?" Tanong saken ni Margelyn at ininum ko ang orange juice na ibinigay niya sa akin. Sasagot na sana ako ng mag ring ang cellphone ko dahil sa tawag ni Aero. "Pwede bang magpaDNA test ako sayo. Pero ayokong pangalanan mo sila. Gusto ko lang malaman kung magtutugma ba." Sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang bottled water na pinag inuman ni Ace sa bag ko at ang cotton buds na ginamit ni Aero. "Hindi ako makakasigurado pero susubukan natin." Sagot niya sa akin at nakita ko sa kanyang mukha ang pagdadalawang isip. Wala palang kasiguraduhan na magagawa iyon ni Marge kaya inagaw ko na sa kanya ang mga dala ko at itinago ko na muli sa bag ko. "Excuse me lang muna at uuwi na ako. Salamat. " Magalang kong sabi kay Margelyn at lumabas na muna ako ng bahay niya. Hindi