Act 24

2322 Words

Madaling araw ng naisip kong umalis na ng Cebu at kasalukuyang nasa bus terminal. Unang pagdating ko dito ay lima pa lang kaming pasahero pero marami na ang mga truck at iilang mga naglalagay ng kahon kahon na gulay sa ilang mga bus. Maingay na dahil sa mga truck. Nagpunta na muna ako sa isang convenient store dahil na rin sa kumakalam na ang aking sikmura at sa malamig pa ng oras na iyon. Puyat at gutom ang kalaban ko sa pag - uwi kong ito. Bumili na rin ako ng iilang mga tinapay at tubig dahil mahaba haba ang byahe ko. Ginastos ko ng ginastos ang lahat ng pera na nakuha ko sa pagpatay. Pinaghirapan ko naman ito kaya gagawin ko ang gusto ko. Nakaramdam ako ng pagod habang nagpapalipas ng ilang minuto sa convenient store pero nakapagpahinga naman ako bago nagtungo dito ng ilang oras.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD