Simula ng makasakay ko ang magkasintahan papunta dito sa isla ng Malapascua, ay masama na ang tingin sa akin ng babae kahit na hindi ko naman siya kilala, ganon siya makatingin sa akin. Iniiwas ko na langang tingin ko sa kanya at dinadama ang ganda ng dagat kesa ang masamang tingin ng babaeng ito ang intindihin ko. "Hon, dito tayo magstay. Dala ko yung tent natin." Narinig kong bulong ng lalaki at nakita kong pumadyak ng kaunti ang paa ng babae at tila sabik na sabik sa kanyang nobyo. Hindi praktikal ang manatili sa isang lugar, hindi lang sa islang ito kundi sa buong mundo lalo at kakaunti lang ang turista dito at dadalawa lang kayo. "Ano naman gagawin natin dito, Hon?" tanong ng babae gamit ang ipit pero kinikilig niyang boses at kumapit sa braso ng kanyang nobyo. Nagtatanong s