Nagising ako at nasa kwarto na ako. Nilibot ng mata ko ang paligid at nakita ko si nanay at tatay na masinsinan ang pinag-uusapan. Bahagya kong ipinikit ang mata ko at nanatili lang sa posisyon ko. "Pakiusapan mo si Spiel, kung pwedeng huwag na lang hingian ng statement si Genesis." Tanong ni nanay habang nakaupo at pinagmamasdan lang si tatay sa na nakatayo sa bintana. "Stress ang anak natin, iniwanan na siya ni Aero, alam mo naman ang ugali ng mga Jaime. Walang responsibilidad yan. Hindi ba, ang nangyari kay Aeriella!?" Sarkastikong sinabi ni nanay kay tatay at hindi na sumagot si nanay dahil tama naman siya. Resulta ng rape si Aero. Alam na naming lahat iyon. Pati sila ay nadamay na sa gulong ito. Kailangan may maisip akong paraan para hindi na sila madamay pa, lalo at malalim ang