Alas dyes na ng gabi ng makarating ako sa bahay namin dahil traffic. Naiisip ko pa rin si Aero habang nasa byahe ako. Kung kumain na ba siya o kung nasaan ba siya ngayon. Alam ko namang ako lang din ang inaalala niya at ayaw niya akong madamay sa gulo ng pamilya niya pero asawa niya ako at karamay sa lahat ng bagay kaya ko naman gawin iyon. Hindi man lang niya inaalala ang kalagayan ko at ang mga anak namin dahil sa stress na ibinibigay niya sakin. Ganito pala magmahal, kailangan mong intindihin ang isang bagay kahit ayaw ng sistema mo, ayaw ng puso at isip mo, wala kang magagawa kung hindi pilitin intindihin ang lahat. Pinunasan ko na lang ang luha ko ng maaalala ko ang pagtataboy niya sa akin. Napakasakit ng paraan niya ng pagtataboy sa akin. Pwede naman na iwanan niya na lang ak