Naging mas maalaga at clingy si Uncle Vince sa akin sa mga sumunod na araw. Nang mapaamin niya ako na ayaw ko na may lumalapit sa kanyang babae at nagselos ako sa pagiging malapit nila ni Ms. Jaquisa, naging ganito na siya sa akin. Ewan ko ba kung matutuwa ako o matatawa na lang sa kanya. Pero masunurin siya, nang dalhin niya ako sa building namin kahapon na pag-aari na niya dahil siya nga ang nagbayad ng mga danyos ng ama ko. Pinakita niya sa akin na kahit anong kausap sa kanya ni Ms. Jaquisa roon ay hindi niya ito pinapansin. He just nod his head kapag may sasabihin ang babae. At maikling salita lang kapag may tatanungin ito sa kanya. Nakita ko na dismayado ang babae sa pagiging cold ni Uncle Vince sa kanya. Halata talaga na may gusto ang babae sa uncle ko dahil kita ko iyong lungkot