"U-Uncle…" Lumayo si Charmel sa akin nang makita ang galit na nakabanaag sa aking mukha. Galit ako dahil ang akala ko ay tinakasan na niya ako. Pagbalik ko sa table namin ay wala na siya roon. Maging ang mga bodyguard niya ay hindi napansin ang pagkawala niya. Hinanap namin siya sa loob at labas ng mansyon ni Devin. Sa malas, hindi namin siya natagpuan dahil walang nakapansin ng pag-alis niya sa mansyon. Ang mga bodyguard na nakatalaga sa kanya na magbantay ay isa-isang nakatikim sa akin ng suntok sa sikmura at paulit-ulit na pananakit. Galit na galit ako dahil nakaalis ai Charmel na wala man lang nakakapansin sa kanya. Kung hindi pa ako pinigilan nina Sky, Devin, at Hellione ay malamang hindi lang suntok ang aabutin nila sa akin. Baka lalamayan na sila sa sementeryo dahil sa matinding