Sumimsim ako sa hawak kong mataas na baso ng pineapple juice nang mahirinan ako. Tumusok ako ng gulay sa plato ko at mabagal itong nginuya. Medyo naduwal ako ng kaunti nang malasahan ko na hindi ko ito gusto. Binitiwan ko ang hawak kong tinidor at inatras palayo sa akin ang pagkaing nilagay ni Uncle Vince sa aking plato. Lahat na lang ng pagkain na naka-serve sa table namin ay hindi ko gusto. Well, except sa fried chicken na pinagtiyagaan kong ubusin. Nilapit kong muli sa baso ng pineapple juice ang bibig ko para maanod ang masamang lasa ng gulay. Pagkatapos ay hinanap ko si Uncle Vince na twenty minutes ng nawawala sa tabi ko. Nasulyapan ko mula sa aking kinauupuan si Uncle Vince at mga kaibigan niya na masayang nagpo-posing sa harap ng camera. Kaya naman pala natagalan siya sa pagba