Sinubukan kong maging kalmado nang marating ko ang kinaroroonan nina Devin at Charmel. Naabutan ko silang tinatawanan ang isang nakakatawang video sa cellphone ni Devin na pinapakita niya kay Charmel. Uminit bigla ang ulo ko dahil nagagawa niyang patawanin ng ganito si Charmel. Bakit ako? Hindi ko pa siya narinig na tumawa ng ganito kalakas. Ngumiti pero pilit naman. Alam ko naman ang sagot kung bakit, she just force to stay with me. Ako lang naman ang may gusto nito. I got curious with what they're watching. Kaya tumabi ako kay Devin at nakinood sa kanila. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng t-back na underwear. Skin tone ang maliit na saplot at bakat ang malaking kargada ng lalaki. Nagpo-poll dancing ito at pagkatapos ay pagiling na isasayaw ang katawan sa harap ng mga manonood