K-47: Larawan Vincent Steffan's POV

1516 Words

"Huwag na kaya tayong tumuloy, baby girl?" tanong ko kay Charmel nang makababa siya sa hagdan at makita ko ang kanyang kabuuan. Parang gusto ko na lang manatili kami rito sa bahay habang nakatitig sa kanya magdamag. "Bakit naman? Nakabihis na tayo pareho saka ka pa uurong?" "Kasi naman, bakit masyado kang nagpaganda? Sino ba ang pinagpapagandahan mo roon?" medyo inis kong sabi. Sabi ko simple lang ang isuot niya, iyong 'di masyadong pansinin pero bakit masyadong sexy at senswal sa paningin ko ang suot niya. Oh baka naman kasi si Mommy na naman ang pumili ng kanyang susuotin kaya ganito ang suot niya. "Ikaw, para hindi ka na tumingin sa ibang babae roon. Tsaka maganda naman itong napili ni Mommy Vicenta, hindi kaya halata ang tiyan ko rito." Umikot pa siya sa harapan ko at pagkatapos ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD