Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Uncle Vince. Panay ang iyak ko habang pilit ko siyang inaalis sa katawan ko. Hinaharangan niya ako na makita ang nasa screen ngunit matatag ko itong tiningnan habang pigil ng kamay ko ang bibig ko na mapahikbi ng mas malakas. "f**k! Don't look at it, baby. Please, masasaktan ka lang," niyakap niya akong muli at pilit na inalis niya ang tingin ko sa screen. Lahat ng tao sa loob ng reception ng birthday party ni Lola Victoria ay shocked na nakatingin sa larawang marahan ipinapakita na nag-p-play sa harapan namin. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila, pagkatapos na makita nila ang larawan namin ni Uncle na magkahalikan. Kung sino man ang kumuha ng larawang ito ay hindi siya masarap ka-bondin