Tinabig ko ang kamay ni Ms. Jaquisa bago pa nito maabot ang papel na binibigay nito kay Charmel. Kaagad na nilukot ko ang papel at binato ito sa pinakamalapit na basurahan. "Ano na naman ba ang binabalak mo? Sino ang nag-utos sa iyo para gawin ito sa amin?" Hinigit ko siya palayo kay Charmel at sinakal siya sa kanyang leeg. "V-Vince—" pigil sa akin ni Charmel. Hinawakan niya ako sa braso ko para pigilan ang pagsakal kay Ms. Jaquisa. "Stay out of this, Charmel! Pumasok ka na sa van at samahan mo si Mommy sa hospital. I will deal with these people who ruin our dignity!" Mataas ang boses na sabi ko. Nagagalit ako dahil kung hindi ko sila inabutan, ano na naman ang paninirang gagawin ng babaeng 'to sa amin? Ano na naman ba ang binabalak niya? Kung hindi ko pa naisipang balikan si Charmel a