KABANATA 30

2040 Words

KABANATA 30: PROBLEMADO ako kung paano ko itatago ang sugat sa aking pisngi. Abala ako sa pagdampi ng bulak sa aking sugat ng bumukas ang pinto at iniluwa doon si Mia na may bitbit ng plastic na may laman ng pagkain. Dumapo ang mata ko doon. Nakaramdam ako lalo ng inis. "Oh, anong nangyari?" aniya at nakakunot noo pa ng pinagmamasdan ako. Luminga-linga siya sa paligid at alam ko na kung sino ang hinahanap niya. Binalik ko ang tingin sa salamin at sinipat muli ang pisngi. "Umalis na. Bago umalis iniwanan pa ko ng remembrance," sabi ko at hindi ko mapigilan na hindi malangkapan ng inis ang tono ng aking boses. Tinigilan ko na ang paggamot at tinapon ang bulak sa trash can. "Sinugatan ka?! Nasan na? Ni-report mo? Gaga 'yon, ah! Dapat hindi ko na lang siya sinunod. Mag-iinvest ba talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD