KABANATA 29: PALA-ISIPAN sa akin kung bakit siya nandito. Kinalma ko at inayos ko ang sarili. Pumunta pa ko sa banyo para lang masiguro na presintable akong tignan. Kahit kailan napaka powerful ng make-up. Kayang-kaya itago ang dapat na hindi makita ng mga tao. Inatake ako ng kaba ng makita ko siyang kausap ni Mia. She's really tall and has a body to die for. Iyong katawan niyang manipis pa sa akin. Of course, kailangan na ganoon ang katawan niya dahil puhunan niya ay katawan at ang mukha para kumita. Maigsi na ang kanyang buhok at kulay itim na iyon. She can steal any man's attention. Sa fierce look niya, tindig at porma. Agaw pansin talaga. Dinig na dinig ang takong ko kaya napatingin si Mia sa akin at minuwestra ako. Dahan-dahang napabaling si Vernice sa akin. Hindi niya ako nginiti