KABANATA 17: NAPAHANGA ako sa ganda at linaw ng tubig. Malaki ang isla at wala pa nga sa kalahati iyong nagamit ni Emil para sa Resort niya. Iyon kasi ang sabi niya. Apat na palapag ang Hotel at may mga villa na nakapalibot doon. Sa kanan ay ang malaking Clubhouse kung nasaan naroon ang Restaurant at Spa at hindi lang iyon may mga bay cottages pa siya. "Wow! Ang ganda! P'wede na pala tayo dito, Emil! Bakit pumunta pa tayo sa Dos Palmas?" binalingan ko siya. "Hindi pa tapos dahil may mga nilalagay pang furnitures." Nakangiti nitong paliwanag habang pinapatay ang makina ng yate. Tumango-tango ako. "Ilan kayang i-accomodate nito? Tsaka anong mayroon sa likod ng Hotel?" hindi ko mapigilang itanong. Inalalayan ako ni Emil para magtungo sa platform. "Dito ka muna. I need to tie the boat u