KABANATA 16: SAKAY ng private jet ay nilisan namin ang Manila at nagtungo sa Puerto Princesa sa Palawan. Inayos ko ang suot na big hat bago humakbang sa hagdan. Nauna si Emil para ako ay alalayan. I am wearing a sun dress paired with wedge shoes. Ngumisi si Emil ng makababa kami. He was on his usual white shirt paired with black ripped jeans and sneakers. Simple lang pero ang lakas ng dating niya. Hindi man kita ang buo niyang mukha dahil sa suot na sunnies ay alam ng lahat kung gaano kagandang lalaki si Emil. Sinalubong kami ng mga staff sa Dos Palmas Island Resort and Spa para batiin. "Welcome to Dos Palmas Island Resort and Spa, Maam!" bati ng babaeng Manager na si Miss Lindy. Iyon kasi ang nahagip ng mata ko sa name badge niya. Kasama ang dalawang staff na ang isa ay bitbit ang kwin