KABANATA 14: HINDI kami nakapunta sa lawa para mananghalian tulad ng plano sana ni Emil. Pinilit ko kasi na maraming mabawasan sa trabaho kaya kahit lunch time na. Sinisingit ko na lang ang pagkain. Wala sana akong balak kumain kung hindi lang makulit si Emil. Na-di-distract ako sa kay Emil kaya ang trabaho ko ay mabagal. Sa huli nabawasan man pero panigurado bukas tambak na naman. "You done?" tanong ni Emil ng makitang tiniklop ko na ang laptop. Saglit lang niya kong sinulyapan at pagkatapos ay binalikan ang cellphone ko. Naglalaro siya kanina pa. Nag-install ng sikat na mobile game at ayun na-busy na. Hindi na panay ang sulyap sa akin napansin din kasi niyang hindi ako makatrabaho kung ganoon at ganoon ang kanyang gagawin. "Wait lang, mahal. Tatapusin ko lang 'to," aniya at medyo n