KABANATA 13: BAKAS sa mga mata ni Emil ang pagtutol pero dahil sa nakita niya determinasyon sa mga mata ko ay wala na din siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Dahan-dahan itong tumango tanda ng pagsuko. "Alright. I understand," anito. Pareho kaming natigilan at napatingin sa pinto dahil may muling kumatok. "Ako na..." ani ni Emil at nagtungo sa pinto para buksan iyon. Nawalan ako ng gana kumain. Hinarap ko na lang ang laptop at balak magtrabaho na para mabawasan ang mga tambak na trabaho. May mga reports at proposal pa akong titignan at pag-aaralan. May dalawang conference din akong pupuntahan sa susunod na linggo. Hindi ko pa nababanggit kay Emil ang tungkol doon. Hindi ko din naman kasi alam kung sa Hacienda pa ba siya o babalik sa penthouse nito at doon na mananatili muna. Nag-ang