KABANATA 12: NAGHUHUGAS ako ng kamay sa banyo ng narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa opisina ko. "Ang bilis mo naman, Mia?" sabi ko at nagmamadali na sa paghuhugas. Kumunot ang noo ko ng wala akong marinig na sagot sa kanya. Inutusan ko kasi siyang ipagkuha ako ng strawberry cake sa Finance Department. Birthday kasi ng isang empleyado doon at nagpa-deliver ng pagkain. Hindi na ako makapunta sa pantry nila kaya nagpakuha na lang ako ng cake. "Tumakbo ka ya—" hindi ako natapos ng sasabihin nang pagbukas ko ng pinto sa banyo ay mukha ni Emil ang sumalubong sa akin. Abala ang mga mata sa pagpasada sa buong opisina. Suot ay blue polo shirt na tinernuhan ng black pants at brown shoes. Tanggal pa ang una hanggang dalawang butones ng suot na polo dahilan para sumilip ang matipuno nitong