KABANATA 7:
NATINAG lang si Emil ng bumukas na ng tuluyan ang lift sa tamang palapag. Ganoon pa man hindi nawala ang pagka-clingy nito kaya paglabas namin lahat ng empleyado sa main office ng Penshoppe ay napalingon sa amin. Gulat din ang iba dahil hindi inaasahan na ang bitbit ni Emil ay ibang babae. Gusto ko tuloy itago ang mukha ko sa mga oras na ito.
Napatayo ng wala sa oras ang Manager ni Emil ng makita kaming magkahawak-kamay. Bakas man ang gulat pero agad ding nakabawi. Napayuko ako dahil ramdam ko ang mapanuri niyang tingin.
"I couldn't believe this. Have you lost your mind?" anito at hindi pa din makapaniwala sa aming dalawa ni Emil. Humakbang si Emil kaya napa-angat ako ng tingin. Humarang siya sa harap ko dahilan para hindi ko na makita ang manager nito.
"Stop scaring her, Elise. I came here for work, so quit meddling with my personal affair," mariing sabi ni Emil.
Nakagat ko ang ibabang labi sabay bagsak ng tingin sa kamay nitong wala yatang balak pakawalan ang kamay ko.
"Alright. The President is already here. Hindi siya p'wede sa loob," dinig kong tanong ni Elise at alam kong ako ang tinutukoy nito.
Nag-aalala niya akong tinignan. Hindi ko maiwasang ngumiti para ipakitang okay lang na maiwan ako sa labas.
"Will you be okay?" masuyo niyang tanong.
Naiilang pa akong sumagot dahil may ibang taong nakikinig. Tumango ako.
"Okay lang, mag-aantay ako dito," mahina kong sambit. Tinitigan ako ni Emil na para bang binabasa ang takbo ng utak ko. Marahil sinisigurado kung totoong ayos lang ako.
"Emil," masuyo kong tawag sa kanya sabay buntong-hininga dahil pakiramdam ko ayaw niya nga talagang umalis mag-isa.
Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim bago tumango. Ngunit hindi pa din binitiwan ang kamay ko. Tinawag niya ang secretary para lang hindi ako maiwan mag-isa at baka mabagot.
"Please keep her entertained. I'll be right back," anito at walang nagawa ang babaeng secretary sa utos ni Emil at tinalikuran kaming lahat matapos ako bigyan ng halik sa noo. Pulang-pula ang mukha ko. Inisip ko tuloy kung kailangan pa ba talagang gawin sa harap ng ibang tao iyon pero naalala ko na kahit noon pa sa tuwing magpapaalam siya. Niyayakap o hinahalikan niya ako. Kung hindi sa labi ay sa noo.
"Miss, dito na lang tayo sa loob para kumportable ka po," aniya at minuwestra sa akin ang kabilang room na tingin ko ay Visitors Lounge. Sumunod ako at umupo sa pang-isahang sofa doon. Pinasadahan ko ang paligid. Maluwag at maaliwalas tignan. Tanaw ang ibang building sa labas dahil sa glass window. Maraming sofa at round table sa paligid at kayang maokupa ang malalaking grupo kung sakali.
Kumuha ako ng magazine na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. I crossed my legs.
"Would you like some coffee refreshment?" she politely asked.
Nag-angat ako ng tingin at umiling.
"Green tea will do," sagot ko at binagsak ang tingin sa nakuhang magazine para sa buwan ng September.
"Right away, Maam," anito at umalis na din sa harap ko.
Sinipat ko ang relo. Malapit na magtanghalian. Trenta minutos na lang, lunch time na. Saan kaya kami mamaya?
Wala sa sariling napangiti ako. Ewan ko ba bakit big deal sa akin lahat ng first namin ngayon. Unang beses ulit matapos ang isang taon.
Ngayon na lang kami magsasabay ng tanghalian. Kanina nga nako-conscious ako sa kilos ko dahil nariyan siya lalo na kasama namin si Lolo na nag-almusal kanina. Ngayon ko na lang ulit naramdaman iyon conscious ako at gusto kong maging perpekto sa paningin niya kahit alam ko naman na nakita na ni Emil lahat ng sa akin. Pangit o maganda, alam naman niya. Hindi ko lang maiwasan dahil gusto kong magpa-impressed pa din sa kanya.
Abala ako sa paglipat ng pahina ng dumating ang secretary at bitbit na ang aking tsaa.
"Thank you..." Nakangiti kong sabi. Tumango lang ito at sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto nito.
Ibinalik ko ang tingin sa tinitignan. Nawili ako sa kakatingin ng mga pahina dahilan para hindi ko mapansin ang bagong dating. Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi ko talaga siya mapapansin.
"Hi!"
Tiningala ko ang may kalakihang babae malapit sa aking tabi. Suot pa ang ID nito kaya alam kong empleyado siya sa building. Yakap niya ang folder habang nakatingin sa akin. Binati niya ako pero hindi man lang ngumiti. Ganunpaman, nginitian ko siya.
"Hello..." I said in a friendly tone.
"Girlfriend ka ni Adam?"
Nagulat ako sa diretshang tanong niya. Napakurap ako at napatingin sa glass door. Nasaan na iyong secretary kanina? Bumaba ang tingin ko sa ID nito pero pasimple nito iyong tinakpan sa pamamagitan ng pagbaba ng folder nito. Hindi ko tuloy nabasa agad.
"May I know why did you ask?" mahinahon kong sabi at nanatili pa din ang ngiti sa aking labi. Marahan ko ding tiniklop ang magazine na binabasa.
"Concern kasi ako. Fan ako ni Adam. Simula pa ng sumikat siya, fan na ako. Marami akong collection ng magazine, posters and shirts niya," aniya habang titig na titig sa akin.
Umawang ang bibig ko. Medyo kinabahan ako ng kaunti sa hindi malamang dahilan.
"Is that so? I will tell him later. Do you want to have a picture with him?" I smiled.
Nagliwanag ang mukha nito pero agad na nawala. Kumunot ang noo ko. I find her suspicious. Napatingin ako sa glass door pero hindi ko makita ang secretary na kasama ko lang kanina.
"Gusto ko. Pero... girlfriend ka talaga niya?" tanong nito at tinignan ako ng pailalim.
Nawala ang ngiti ko sa labi. Nakutuban na ako. Sa oras na magkamali ako ng sasabihin. Baka makatikim ako ng hindi magandang salita sa babaeng ito. Of course, fan siya ni Emil. Aware ito kung sino ang girlfriend. For sure, gusto nila si Vernice para sa kay Emil. Sa ginawa niyang pagtingin sa akin ay alam ko ng hindi niya ako gusto.
Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"No," matipid kong sabi. Patawarin sana ako ni Emil kung sakaling mahuli ako. Hindi naman siguro. Basta walang magsasalita tungkol sa sinabi ko ngayon. Matapos ko siyang sagutin ay binnagsak ko ang tingin sa magazine at binuksan ulit iyon.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Hay, sabi ko na nga ba! Akala ko talaga girlfriend ka niya. Pinsan ka niya?" tanong nito ulit kaya sinulyapan ko na naman siya. May bakas na ng ngiti ito sa labi. Nagniningning na ang mga mata.
"Yes..." sagot ko sabay bagsak ulit sa magazine.
"Ang sweet niyo palang mag-pinsan. Sabagay may ganyan talaga. Salamat, Maam. May trabaho pa nga pala ako." Natatawang sabi nito. Tumango lang ako at mabilis lang siyang sinulyapan sabay tingin ulit sa magazine. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siya.
Napasandal ako sa sofa. Nanghihina. I'm not used at lying to other people. I mean, white lie naman 'yon. Pero hindi ako sanay. Except kila Lolo noong matigas pa ang ulo ko.
Bumalik ang secretary at may dala ng sandwiches. Kumuha palang ng pagkain bakit hindi pa sinabay kanina?
Pinagmamasdan ko siya habang nilalapag ang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
"Sino iyong babae na medyo malaki ang katawan? Hanggang balikat iyong buhok niya na medyo may pagkasingkit?" tanong ko.
Tumayo ito ng tuwid habang nag-iisip kung sino ang tinutukoy ko.
"Si Carizza? Galing po ba dito kanina?" tanong niya na tinanguan ko.
"Uh... sabi ko na nga ba..." wala sa sariling sabi nito habang sa ibang direksyon nakatingin.
Kumunot ang noo ko. Naintriga ako sa narinig.
"Bakit?" tanong ko at titig na titig sa kanya. Bumaba ang mata ko sa ID nito. Her name was Shiela Peridad.
"Fan po kasi siya ni Sir Adam at Vernice. May fans club po 'yan sila tapos isa din siya sa admin."
Napangiwi ako. Sabi ko na nga ba. Nakahinga ako ng maluwag ng maalala ang sagot ko kanina kay Carizza. Pakiramdam ko uuwi akong napaulanan ng masasakit na salita kung namali ako ng sagot.
Tumango ako at tahimik na kinuha ang tsaa. Nag-iisip habang sumisimsim doon.
"Samahan muna kita, Maam. Medyo matagal pa sila," sabi ni Miss Shiela at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. She took out the phone from her pocket. Ganoon na din ang ginawa ko. Matapos kong uminom ay nag-open ako ng Messenger. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga messages sa akin.
Nawalan ako ng gana sa pagtingin sa magazine. Inabala ko ang sarili sa pag-back read at pag-chat kila Rita dahil maingay ang group chat namin gawa ng nagbabalak na naman silang lahat lumabas bukas.
Napanguso ako ng i-tag pa ko ni Rita ng makitang online ako.
Rita: Sasama kayo ni Philip?
Me: Not sure. I'll tell you guys asap kung sasama ako.
Hindi ko magawang sabihin sa GC namin na hindi sasama si Philip dahil wala na kami. I plan to tell everything to my friends tonight. Tatawag ako bago matulog. Our usual VC everytime may importante kaming pag-uusapan. Kaya ng sabihin ko iyon kila Rita. Hindi na sila mapakali. Alam na nila na mayroon akong importanteng sasabihin.
Me: VC at 9PM. Busy ako kaya don't you dare call me right now.
Rita: Ano na namang pasabog 'yan?! Tinuloy mo ba?
Phoebe: Ang alin, Rita? Di ko gets!
Hindi ko sila ni-reply-an na. Alam ko kasing mangungulit sila lalo kung sasagot pa ako.
Napakislot ako ng bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Emil na dumapo agad ang mata sa akin. Tumayo ako at ganoon din si Miss Shiela. Sumilip ako sa likod ni Emil kung sumunod ang manager pero siya na lang mag-isa.
"Nasa labas, nag-aantay," si Emil na tila nahulaan kung anong tumatakbo sa isip ko. Dumaosdos agad ang palad niya sa kanang kamay ko.
"Did you get bored?" he asked. He looked at the food on the table.
Ngumiti lang ako ng tipid at umiling.
"Hindi naman. Mabilis lang pala. Sabi ni Miss Shilela medyo matagal pero hindi naman pala." I smiled.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingala. Mangangawit yata ako nito kung ilang minuto pa kaming magtatagal na ganito ang posisyon.
"Kakain na," sagot niya sa akin sabay hinatak ako palabas sa Visitor Lounge.
Nag-angat ng tingin ang Manager niya ng lumabas kami. Hawak pa nito ang cellphone niya.
"Hindi na ko sasabay, Adam. Magkita na lang tayo sa condo. Mag-uusap tayo at i-finalize natin itong desisyon mo," sabi niya kay Emil kahit na nasa tabi lang ako. Sumulyap siya sa akin at ngumiti ng tipid. Ganoon din ang ginawa ko.
Tumango lang si Emil at nagpaalam na sa amin iyong manager niya.
"Sasama pa ba ko mamaya? Magpapasundo na lang kaya ako sa driver. Mukhang seryoso ang pag-uusapan niyo at dapat wala ako doon," sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin.
"Kung saan ako, doon ka. Hindi kita p'wedeng iuwi ng hindi din ako kasama. Mahigpit na bili ni Senyor, kasama kitang umalis. Kasama kitang uuwi. Huwag mo ng isipin 'yong mamaya. Ayos lang, 'yon. Saan mo gustong kumain?" pag-iiba niya ng usapan.
Sasagot sana ako ng mapansin ko iyong tinginan na ng mga empleyado sa aming dalawa. Nataranta ako ng makita si Carizza pero agad ding nakabawi. Baka mahalata pa na nagpa-panic ako.
"Why?" tanong ni Emil at mukhang nabigo ako. Napansin niyang may tinitignan ako kaya sinundan niya iyon ng tingin. Kumunot ang noo niya ng makita si Carizza na ngiting-ngiti. Bitbit ang naka-roll na poster.
Walang naglakas-loob na lumapit. Bukod tangi talaga siya.
"Hello, Adam! Fan mo ako, matagal na! P'wede po kayang magpa-picture? Tapos papapirma din po. May poster akong dala!" Napatili pa ito sa harap namin. Nakuha ni Emil ang atensyon niya.
Napaiwas ako ng tingin ng tumambad sa akin ang poster nilang dalawa ni Vernice. May damit naman pero naiilang ako dahil iyong mukha ni Emil ay nasa pisngi ni Vernice. Isang clothing line ang pino-promote nila doon.
Napatikhim si Emil at nagmamadaling kinuha ang pentel pen kay Carizza at pumirma. Siya na din ang nag-roll agad. Ngiting-ngiti si Carizza at nilabas na ang cellphone niya.
"Magpapa-picture sana ako. P'wde po kaya utusan ang pinsan mo?" tanong niya kay Emil.
Nanigas ako sa kinatatayuan at mas lalong hindi makatingin sa kanila dahil unti-unting bumaling sa akin si Emil at kulang na lang ay paulanan niya ako ng nakamamatay na tingin. Panay tuloy ang papalit-palit ng tingin sa amin ni Carizza.
Dinaan ko sa tawa ang lahat at mabilis kong kinuha ang cellphone niya para matapos na.
"Ako na..." sabi ko sabay tawa ulit. Pero ang mukha ni Emil ay hindi na maipinta. Hindi niya nagustuhan ang narinig. Ang hiling ko na lang ay huwag siyang magsalita ng kung anuman at baka lahat ng fans niya sugurin na lang ako bigla sa kinatatayuan ko ngayon.
"Ang bait po pala ng pinsan niyo talaga. Kaya pala ang sweet niyo. Sobrang close kayo!"
Napapikit ako ng mariin dahil inulit pa talaga ni Carizza na banggitin ang salitang pinsan sa harap naming dalawa.