KABANATA 8

2036 Words
KABANATA 8: TAHIMIK si Emil hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya. Hindi ko din makausap dahil nasa labas pa kami at may ibang taong nakakakita. Ganunpaman, galit man siya o hindi. Hindi nito nagawang bitiwan ang kamay ko. Magsasalita sana ako ng maunahan niya ako. Salubong ang kilay habang matalim akong tinignan. Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin. "Cousin, huh? Would cousins kiss each other these days?" he said mockingly. I hardly bit my lower lip. Nahihiya ako na nahuli ako sa sinabi ko kanina. Tama nga iyong kutob ko. Heto nga at galit siya. "I did that so your fans won't get mad at me." I pouted. He frowned. "You talk to her?" anito sabay napatingin sa akin pagkuwa'y bumuntong-hininga. "She said something weird that made you think that way. If someone threatens you, just tell me," sabi ni Emil sabay buhay sa makina ng sasakyan. I pouted and played with my fingers. "It's fine..." I murmured. Pinaharurot ni Emil paalis ang sasakyan niya bago ako binalingan. "It will never be okay when someone wants to scare you. How can I protect you from them when you want to keep a secret to yourself? I bet she asked you if you're my girlfriend. To avoid making her mad, you lied. Saying you are just my cousin." Natahimik ako dahil totoo naman ang sinabi niya. Diretso ang aking tingin habang nagsasalita pa din si Emil. "Don't do it next time. Hindi ko gusto na dine-deny ka sa ibang tao," aniya. I took a deep breath and looked at him. "Emil, kayo naman talaga ni Vernice pa. Alam din ng ibang tao 'yon. If I'd tell her the real score between us. Mapag-uusapan ka at masisira ka sa tao. You are at the peak of your career—" He cut me off. "Who cares? I'm quitting anyway," he growled. "How about me? What would other think of me? Na kabit ako? Na may inahas ako?" Napalunok ako at kinilabutan sa sariling sinabi. "Argh!" I shrieked. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla itong nag-preno kaya muntik na kong sumubsob sa unahan. "You are far from that," He clenched his jaw and looked at me furiously. Ibinuka ko ang bibig pero itinikom ko din. Ayoko ng makipagtalo. Mayroon pa ring ugali si Emil na kapag gusto niya gusto niya. Mas tumindi ngayon na wala siyang pakialam dahil nga okay naman na ang buhay niya at ang relasyon namin sa side ko. Pero alam ko na nag-iisip din siya ng malalim dahil sa sinabi ko. Huminto ang sasakyan sa harap ng Italian Restaurant na paborito kong kainan at alam niya iyon. Isang beses lang kami kumain doon dahil nga alam kong mauubos ang pera niya kakabayad ng pangkain namin. Hinawakan ni Emil ang kamay ko matapos bumaba ng sasakyan. Nakuha agad namin ang atensyon ng mga crew at customer doon. Namilog ang mga mata ko ng may balak kumuha ng picture naming dalawa. Hinila ko ang kamay ni Emil pero ayaw niyang bitiwan. Nag-aalala ko siyang tinignan. Ayoko na baka mamaya o bukas ay laman na kami ng headlines. Itinaas ni Emil ang kamay dahilan para pumasok ang mga tauhan niya! May nakabuntot pala sa amin? Hindi ko yata napansin. Huminto ang isa sa tabi ni Emil. "Refrain them from taking us pictures." "Copy, Boss," sabi nito at tumalima para puntahan ang ibang customer na palihim na kaming kinukuhanan ng litrato. Awang ang bibig ko dahil lima din iyong mga tauhan niya na nasa Resto ngayon. Dinungaw ako ni Emil. "Don't mind them. Halika na..." anito at sinalubong kami ng Manager para personal na i-assist kami sa aming upuan. "Thanks," sabi ko sabay upo sa inurong na upuan ni Emil para sa akin. Pinasadahan ko ang buong paligid. Napanguso ako na umupo kami malayo sa ibang customer. Walang umokupa sa mga bakanteng seats na nasa tabi namin. Tahimik kami habang namimili ng order. "I'll have Swordfish Sicilian Style and Pasta Con Pomorado E Basilico for the lady," si Emil habang nakatingin pa rin sa menu. Napatingin ako sa kanya at habang namimilog ang mga mata. Isang beses lang kami kumain dito pero alam niya kung ano ang paborito ko. Nag-angat ng tingin si Emil at napangiti. "I pay attention even to small details when it comes to you, Senyorita. What do you want?" tanong nito habang nakangiti sabay bagsak ng tingin sa menu. Mariin kong kinagat ang ibabang labi. May hatid na kiliti sa aking katawan maski ang simpleng salita na iyon ni Emil. "I'm fine with your order. Let's have wine to pair with our food," I smiled. Iyong Manager na ang kumuha ng order namin at matapos ulitin ay umalis na din agad. "Pasensya na at kailangan mong maranasan ang ganito ngayong hindi pa maayos ang lahat. When things are in the right place, we can do whatever we want. But for now, I must do this to protect you. Kahit na sa totoo lang ayokong itago ka," si Emil na may halong lungkot ang mga mata. Ngumiti ako at umiling. "Okay lang. Mabuti at naintindihan mo na din iyong sinasabi ko kanina." "Yeah... I just get mad since I don't like it when you think lowly of yourself. Ayoko din na ganyan ang tingin sa'yo ng ibang tao. We're just stuck at this situation. Walang ibang may kasalanan dito kundi ako. I want to make it clear, kung may sisihin at masama. Ako 'yon, Senyorita. Hindi ikaw," titig na titig niyang sabi sa akin. I sighed and nodded. "Don't call me that. Pakiramdam ko tauhan pa din kita sa Hacienda kung tawagin mo ko niyan when in fact you can afford to pay men to work for you," sabi ko sabay tingin sa apat na tauhan na nakatayo malayo sa amin. Nagmamasid sa mga tao. "It's special for me. Among all the endearments, yours is my favorite," He said and winked at me. Pinamulahan ako ng mukha. Imbes na umiwas ng tingin ay nanliit ang mga mata ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi para hindi umalpas ang ngiti. "Really, huh? Praktisado ka na talaga. Mas magaling ka na mambola ngayon. Tss..." Inirapan ko siya pero tinawanan lang ako. Umalis kami sa Restaurant na bitbit pa din ang mga tauhan niya. Nakarating kami sa Manhattan Heights Tower A. As expected, pinagkaguluhan si Emil kung hindi lang dahil sa mga tauhan niya hindi kami makakapasok agad sa lift. "I should stay inside the car. Maraming tao na ang nakakakita sa atin. Baka inaabangan ka din mamaya," sabi ko sa kanya. "Hindi kita iiwan do'n, Senyorita. Relax, okay? Huwag mo na intindihan ang ibang tao," yamot na sabi ni Emil at pinulupot na ang braso nito sa maliit na beywang ko. Walang reaksyon ang Manager ni Emil ng makitang kasama ako nito. Hindi ko masabi kung ayaw niya ba ako dito o gusto. "Stay here, mag-uusap lang kami sa office. Call my phone when you get bored. Lalabas ako," bulong niya. I pouted. Para namang magagawa ko 'yon. Kahit bored ako hindi ko siya iistorbohin dahil sa trabaho. "Sige na. Inaantay ka na niya," sabi ko sabay tulak kay Emil. Salubong ang kilay nito at binalingan ako. "You forgot my kiss," anito sabay halik sa aking labi. Namilog ang mga mata ko dahil kasama namin iyong Manager niya ng halikan ako ni Emil. Nahuli kong nag-iwas na lang ito ng tingin. Nahihiya sa nasaksihan. Tinalikuran niya kami at naglakad na palayo. Binalingan ko si Emil na ngiting-ngiti. Para bang ang nasa isip lang niya ngayon ay ang paghalik niya sa akin. Kung hindi ko pa pandidilatan ng mata hindi siya aalis sa harap ko. Sinundan ko ang papalayo niyang bulto. I sighed. Tahimik akong umupo sa sofa habang nag-aantay sa kanila. Inabala ko na lang ang sarili na cellphone. Tahimik na ang GC pero inulan naman ako ng mga notifications sa i********:. Dahil walang magawa, inisa-isa ko na lang at ganoon ang pagkabog ng dibdib ko na makita ang pangalan ni Emil na nag-follow sa akin. Binisita ko ang profile niya. I pouted when I saw some of his travel photos. Mayroon din iyong sa mga shoots niya. I decided to follow him back. Iniisip ko kung may iba bang humahawak nito. Kung may admin ba siya o siya mismo ito. Nakita ko pang may picture pa sila ni Vernice sa profile niya. In-exit ko na agad. Ayoko ng nararamdaman ko. Nalulungkot ako na mabigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko silang dalawa. They look perfect in my eyes. Nanliit ako sa sarili ko sa tuwing nakikita ko siya. Wala akong maipintas maliban na lang sa iyong nalaman kong ugali niya. Nakuha niyang ipahamak ang sarili para lang magmukha akong masama. I don't know how Emil handle her after that incident. But knowing na sila pa din kahit alam niya na ang totoo. Nalungkot ako dahil ibig sabihin lang noon ay hindi matiis ni Emil si Vernice. Nakuha niyang patawarin kaya hanggang ngayon ay sila pa din. I don't want us to talk about her. Kinakain ako ng selos at kahit sabihin ko kay Emil na okay lang na antayin niya si Vernice na umuwi. Sa totoo lang, may parte sa akin na nasasaktan ako. Kung sabihin ko kaya na lumuwas na lang siya para sabihin na mismo kay Vernice? Mukha naman akong atat at pinangunahan ko siya pero kasi nandito na kami. May nangyari pa sa aming dalawa. Karapatan ko siguro na magmadali? I sighed. Sasakit ang ulo ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-iisip. Napadpad lang ako dito. Iba na ang takbo ng utak ko. I startled when Joaquin requested for a videocall. Bihira lang ito tumawag sa akin. Ngayon lang kaya alam kong importante. Bumaling ako sa pinto kung nasaan naroon si Emil at ang Manager nito. Matagal pa siguro sila. I decided to answer Joaquin's call. Bumungad sa aking ang nakangisi niyang mukha. "O, bakit?" Nakangiti pa ako habang hawak ang cellphone at nakatapat sa mukha ko ang camera. He chuckled. "Tinawagan na kita kasi hindi ka nag-re-reply kahit tina-tag ka na sa GC. Sasama na kayo!" sabi niya at ang tinutukoy na kayo ay kami ni Philip. "Hindi ko pa alam. Akala ko naman kung ano na. Sinagot ko pa tawag mo." Inirapan ko siya pero tinawanan lang ako. "Hindi naman kasi ako natawag sa'yo kaya nagulat ka akala mo emergency? Pero importante naman talaga 'to. Sama na kayo ni Mayor! Para kumpleto tayo," pilit nito. Alam ko na kung bakit siya tumawag. Para pilitin ako. "Hindi ko nga alam, Joaquin. Baka hindi din kasi madami akong gagawin," sabi ko sa kanya at hindi na ito matignan. Madami akong gagawin. Kasama ko kasi si Emil. "Tulad ng ano?" pangungulit nito. "Basta!" I rolled my eyes on him. "Sumama ka na kasi nga ipapakilala ko 'yong girlfriend ko bukas." Humalakhak ito pagkatapos. "Weh?" Nakataas ang isang kilay ko at hindi siya pinaniwalaan. Tinawanan niya lang ako. "Oo, nga!" "Seryoso? I mean seryoso ka na nga. Ngayon mo lang ipapakilala." Napangisi naman ako. Gusto ko tuloy pumunta kaso hindi ako sigurado talaga. Lalo na kasama ko si Emil. Sasama ba siya kung sakali? Tapos anong sasabihin ko sa kanila lahat kung bitbit ko din si Emil. Ang dami pa naman nila. Lahat sila magpapaliwanag ako? Paano ko gagawin kung kasama ko si Emil. Ang awkward naman no'n. Knowing the girls, hindi sila titigil hanggat hindi ako mapa-amin. Kaya nga uunahin ko sila Rita at Phoebe mamaya. "Kaya nga sumama na kayo!" Ngisi nito. "Ang kulit mo." Inirapan ko siya. "Who's that guy you're talking to?" Napalingon ako kay Emil na nakapamulsa habang mariin ang titig sa akin. Napatingin ako kay Joaquin na naka-kunot ang noo na sa harap ng camera. Hindi ko napansin na lumabas na siya. Ganoon ba ako kawili sa pag-uusap namin ni Joaquin para hindi ko iyon mapansin? "Babe?" si Joaquin. "Sige na, may gagawin ako. Bye!" Natataranta kong pinatay ang tawag. Naabutan ko si Emil na salubong ang kilay habang nag-aantay ng sagot sa akin. Mariin ang titig niya sa cellphone na nasa kamay ko. "Kaibigan ko lang 'yon." Napanguso ako dahil sa pagiging seloso niya. Napatingin ako sa Manager nitong kalalabas lang ng kuwarto at pinapanuod na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD