KABANATA 9:
HUMINGA ako ng malalim. Mula sa gilid ng aking mga mata ay naglakad papunta sa kabilang direksyon ang Manager ni Emil. Iniwan kami para bigyan ng privacy.
“Bakit kailangan na ganoon ang tawagan?” seryosong tanong niya. Walang bakas ng ngiti ang mga labi. Humakbang siya palapit sa akin. Salubong pa rin ang kanyang kilay.
“Well… kasi ‘yon na ang nakasanayan. Lahat naman kami ganoon ang tawag,” mahina kong sabi. Nanlalamig ang tiyan ko sa paraan ng titig niya sa akin. Alam kong masama ang timpla niya at hindi ako natutuwa doon.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Emil. Tuluyan ng lumapit sa akin. Tiningala ko siya.
“Ayoko ng may ibang tao na tumatawag sa’yo ng ganyan. That would be the last time I’ll hear him calling you that damn endearment. Naiirita ako pakinggan,” walang kagatol-gatol na sabi ni Emil.
Napakurap-kurap ako. Unti-unti napangisi ng maramdamang natutuwa ako sa reaksyon niya. Kanina kinakabahan ako dahil natatakot ako sa ekspresyon niya kanina pero ngayon…kinikilig na ko.
Tinaasan niya ako ng kilay ng mahuli akong ngisi ko.
“Are you happy, huh? Ngiting-ngiti ka na nagseselos ako?” Tinagilid niya ang ulo habang pinagmamasdan ako.
“Hindi. Natatawa ako kasi ang straight forward mo.” Nakangisi kong sabi. Dine-deny ang paratang nito.
Napatili ako ng hapitin niya ako sa beywang sabay mariing hinalikan sa labi.
“Emil! May ibang tao, ano ka ba!” Hinampas ko siya sa dibdib.
It’s his turn now to smirk.
“Who cares? Halika na. Uwi na tayo,” anito sabay hawak sa kamay ko.
Napatingin ako sa direksyon kung saan nagpunta ang Manager niya kanina.
“Hindi pa tayo nagpapaalam!” Nataranta kong sabi.
“Nagpaalam na ko,” sagot lang niya sa akin sabay hatak palabas ng penthouse.
xx
“Talagang iiwan mo ang career mo, Adam? Sayang ang pinaghirapan mo. Nandito ka na. Hindi lahat naabot ang ganyang tagumpay sa loob lang ng maikling panahon. Pag-isipan mo itong mabuti. Baka nabibigla ka lang at overwhelmed sa relasyon mo sa kanya,” bungad ni Elise matapos kong maisara ang pinto.
I shook my head. Nakapamulsa ko siyang tinignan.
“Hindi naman ito ang talagang pangarap ko. Nakuha ko na ‘yong matagal ko ng gusto. Elise, I want to have a family with her. Wala na kong pakialam sa career ko. Gusto kong mapakasalan si Geselle sa lalong madaling panahon,” mahinahon kong sabi.
Halata ang gulat sa kanyang mukha. Napahawak si Elise sa lamesa.
“Huh? Bakit nabuntis mo ba?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
“Hindi. Plano pa lang.” Nakangisi kong sabi. Thinking of my Senyorita being pregnant gives me excitement.
“Hindi? Ayoko mangialam sa pribadong buhay mo, Emil. Pero baka p’wedeng tapusin mo muna ang contract mo. Magdadalawang-taon ka na. Isang taon na lang matatapos na kaysa magbayad ka nito ng damages. May mga naka-line up ka pang projects. Tapusin mo na muna ‘yon. Hindi ka na lang tatanggap ng bago,” sabi ni Elise. Bakas ang determinasyon sa kanya na mapapayag ako.
Umiling ako.
“Magbabayad na lang ako. Tatlong shoots na lang ang gagawin ko at hanggang ngayong buwan na lang ako. May tinayo akong resort at gusto kong matutukan ‘yon,” sagot ko sa kanya. Sarado na ang isip ko sa ipinipilit nito.
Nanahimik si Elise at nanghihinang napa-upo sa swivel chair nito. Hinihilot ang sentido. Namayani ang katahimikan. Nanatili ako sa aking kinatatayuan.
“You want to be a businessman. Sasabihin ko ito sa Management. Ipapahanda ko ang dokumento spara mapirmahan mo na. Alam na ba ito ni Vernice?” tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
Umiling ako.
“Inaantay ko ang pag-uwi niya. Magbabakasyon siya dito kaya kakausapin ko pa. Please don’t tell her my decision. Let me handle my personal issues with her.”
Tumango si Elise at patuloy pa din sa paghilot ng sentido.
“Alright. Pero kung magbago ang isip mo, Adam—“
Pinutol ko ang sinabi niya.
“Hindi na magbabago. Desidido ako. I’m in love with her for a long time. Ever since, it’s my dream to be his husband. Ngayong maayos na kaming dalawa. Gusto kong mag-focus sa bubuoin naming pamilya at sa negosyo. Si Geselle ang puno’t-dulo ng pagiging modelo ko. Siya ang dahilan ba’t ako nakarating dito at siya din ang magiging rason ko ba’t ko ‘to iiwan. My top priority right now is her,” diretsyahan kong sabi sa kanya.
Bakas ang gulat sa mukha nito. Ibinuka ang bibig at balak pa sanang magsalita pero pinili na lang niyang itikom. Dahan-dahan itong tumango tanda ng pagsuko.
Bumuntong-hininga siya at malungkot akong tinignan.
“If that’s what you want at hindi ka talaga mapigilan…” aniya.
“I should leave now. May lakad kaming dalawa,” sabi ko sabay sipat sa relo.
“Akala ko simple lang ang nararamdaman mo para sa kanya. Iniisip namin na baka naglalaro ka lang at may ibang plano pa dahil ex mo pala siya pero ang malamang handa mo siyang pakasalan…” bitin ni Elise sa sasabihin.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya. Nagpatuloy ito.
“Seryoso ka nga talaga. Masaya ako na okay na kayo at magkakapamilya ka na. Pero kaibigan ko si Vernice. Malapit kayong dalawa sa akin Adam. Nalulungkot din ako para sa kanya. How is she?” She asked.
I looked away. Feeling guilty for not telling this to Vernice beforehand. Hindi ako nakasagot kaya naman nagsalita si Elise ulit.
“So, hindi niya alam ang relasyon mo sa Senyorita. Base sa reaksyon mo mukhang may problema ka, Adam.” Napapa-iling na sabi nito.
Hanggat maari ayoko ng pag-usapan ang personal na bagay sa kanya. Matapos kong malaman na nagsinungaling si Vernice sa akin tungkol sa pagtalon nito sa lawa. Tuluyan akong nawalan ng gana. Nilimitahan ko din ang sarili ko sa pakikipag-usap ko sa Team tungkol sa buhay ko sa kanila.
Dahil malapit sa kanila si Vernice lalo na si Elise. Mas pipiliin ni Elise na pumanig kay Vernice. Siya at si Spencer ang nagsabi ng tungkol kay Geselle kaya umuwi ito noon sa Laguna. Galit na galit ako noon kahit na alam kong may kasalanan din ako.
Pakiramdam ko ang pinagka-isahan ako. Pero sabi ko nga ako ang may kasalanan. In denial din ako noon sa sarili kong feelings para kay Geselle. Hindi ko lang matanggap na lumipas man ang isang taon. Siya pa din ang mahal ko. Halata ng mga tao sa paligid ko pero naging bulag-bulagan ako at dinaan sa galit ang lahat para lang maitago ito pero sa huli sumuko na din naman ako. At hindi ko akalain ang pagsuko ko ang siyang magbibigay ng saya sa puso ko. Kapayapaan at katahimikan na si Geselle lang pala ang makapagbibigay niyon.
“Don’t meddle with my personal life. Hayaan mo kong umayos dito, Elise. Ayoko ng pinapangunahan ako sa desisyon ko.” Umigting ang panga ko ng maalala muli ang ginawa nila. Pinalampas ko na lang dahil sa pinagsamahan namin at patuloy pa din kasi akong nakatali sa kontrata.
“I understand pero sana huwag mo ng ipagsabay, Adam. Mahalaga din sa akin si Vernice. She doesn’t deserve to be treated like this. Humihingi ako ng pasensya para sa ginawa namin noon. Hindi ko lang matiis na makita ng dalawang mata ko na sunod ka ng sunod sa may-ari ng Hacienda samantalang may nobya ka. We thought you’d come back to your senses if she’ll come home. Akala naman best decision iyon to save your relationship with her but we failed. Anong sasabihin ko sa kanya kung hahanapin ka niya sa akin dahil hindi ka niya makontak? Wala sila Spencer dito. Sino naman ang kukulitin niya? Ako ‘di ba? Do you want me to lie for your sake? Kahit alam ko ang tunay na ginagawa mo. Tuturuan mo kong magsinungaling? I’m getting anxious right now, really.” Umiling-iling si Elise at mas mukhang problemado pa sa ngayon kumpara sa kanina.
“I’ll talk to her. Just ignore her calls so you won’t lie. Kung wala kang choice you can say you don’t know. Hindi tayo magkasama. I will never drag your name, Elise. Huwag kang mag-alala. I’m trying to end my relationship with her kahit bago pa maging maayos ang sa amin ni Geselle. I’m waiting for the right time. After two weeks uuwi na din naman siya.”
“There’s no right time for break up, Adam. Gawin mo man bukas o sa susunod na buwan. Pareho lang ‘yon. Sasaktan mo lang din. But this is just a friendly advice. Malapit kayong dalawa sa akin. But of course, it’s still up to you.”
Nanahimik ako. She has a point. Pero mas mag-aalala ako kung hihiwalayan ko si Vernice sa tawag lang. Hindi ko pa nagawa sa tanang buhay ko ‘yon. Kung para sa akin bastos iyon. Paano pa sa kanya.
Napatingin ako sa pinto ng marinig kong parang may kausap si Geselle sa labas. Binalingan ko si Elise.
“I have valid reasons, Elise. Hindi ko gusto na ganito ang mangyari na magmukhang pagsabayin sila. I can’t explain this to you further. Pero andito na, I’m gonna try my best to fix this. Saglit lang,” sabi ko sa kanya at lumapit sa pinto.
“Tulad ng ano?”
“Basta!”
Kumunot ang noo ko sa narinig. May kausap nga at sino ‘yong lalaki na narinig ko? Hindi naman boses ng mga pinsan niya.
Papakinggan ko pa sana kaso nagsalita si Elise.
“Patay na patay ka nga sa kanya. Para siyang nakahanap ng 24/7 bodyguard.” Napa-iling si Elise habang pinagmamasdan ako.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
“Mauuna na ko,” sabi ko sabay bukas ng pinto.
Nagsalubong ang kilay ko ng may kausap nga siya sa cellphone pero hindi ko masyadong makita. Nakapamulsa ako habang naglalakad palapit sa kanya. Hindi niya ako napansin na lumabas na ako sa sobrang okupado niya sa kausap.
“Ang kulit mo.”
Huminto ako ng ilang pulgada sa kanya.
“Who’s that guy you are talking to?”
Napalingon siya sa akin habang hawak ang cellphone nito. Nasilip ko ng kaunti at nakitang kaibigan niya iyon. Palaging kasama niya sa Club. Iyong naghatid sa kanya sa Hacienda no’ng lasing na lasing ito.
“Babe?”
Nagsalubong lalo ang kilay ko. Ayoko talaga ng tinatawag siya ng ganyan. Naiirita ako.
Si Joaquin pala ang kausap niya. Hindi man lang ako pinakita. Binabaan niya agad na parang iniiwas niya ang kaibigan sa akin. May dapat ba akong hindi marinig?
Matalim ang tingin ko sa hawak nitong cellphone.
“Kaibigan ko lang ‘yon,” sabi ni Geselle.
xx
Umuwi kami matapos niyon. Binilin kasi ni Lolo kay Emil na hindi ako p’wede abutan ng dilim sa daan. Akala ko pa naman may iba kaming lakad ni Emil pero iuuwi na pala ako. Sabagay hapon na kasi at ba-biyahe pa kami pa Laguna.
Hindi ko lang ma-gets si Lolo na kapag kay Philip pinasasama ako kahit na bukas na umuwi. Pero kay Emil kailangan maihatid ako bago pa magdilim. Kahit na si Lolo naman may pakana bakit magpapakasal kami ni Emil agad. Ayaw pa din niya bigyan kami ng buong tiwala nito.
Naalala ko tuloy si Philip. I hope he’s coping up with our break. I hope he’ll find a woman who will stand by him no matter what circumstances they’re in. I genuinely wish him for happiness.
Ngiting-ngiti si Emil habang hinahatid kong muli sa guest room.
“Hindi halatang masaya ka.” Humalukipkip ako sa harap niya.
Pinayagan si Emil ni Lolo na mag-stay sa Hacienda. Hindi na ito pinabalin sa condo nito sa Manila. Aalis din kasi kami sa susunod na araw para silipin ang resort nito sa Palawan.
“Bisitahin natin ang lawa bukas. Wala naman akong gagawin.” Nakangisi nitong sabi.
Nanliit ang mga mata ko. May ibig sabihin ang mga mata niya maging ang ngiti.
“May gagawin na ko. May trabaho ako,” ako naman ngayon ang ngumisi.
Emil groaned. Pinilupot na ang mga braso sa beywang ko ang nanlalambing. Pinatakan ako ng halik sa labi.
“Doon na tayo mag-lunch. Huwag mo sabihing pati lunch break may trabaho. Break nga eh,” inunahan niya na ako.
Hindi ko mapigilang tumawa. Napahawak ako sa matipunong braso niya.
“Kinakabahan ako sa ideya mo,” sabi ko sa kanya.
“Kung ano-ano iniisip mo. Kakain lang naman tayo,” aniya at umiling-iling pa.
“Sige na nga! Niyaya din pala ako ng mga kaibigan ko na pumunta sa XYLO bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama? Punta tayo?” Tinagilid ko ang ulo habang pinagmamasdan siya.
“Dito na lang tayo. Mag-re-request ako kay Senyor. Baka p’wede do’n na ko sa kwarto mo. Ganoon din naman,” anito.
Namilog ang mga mata ko. Hinampas ko siya sa braso.
“Aray! Totoo na ‘yon, ah!” reklamo ni Emil. Lumuwag ang yakap niya sa akin dahil doon pero hinigpitan niya ulit ng makabawi.
“Porket pinayagan ka na dito matulog. Lume-level up ka pa. Matulog ka na nga!” sabi ko sa kanya sabay tulak kay Emil papasok sa kwarto nito.
“Dito ka muna!” aniya sabay buhat sa akin sa beywang.
“Emil!” Napatili ako dahil binalibag niya ko sa kama.
Nakangisi niya kong pinagmasdan.
“Hihiga lang tayo. Wala naman tayong ibang gagawin,” sabi nito sabay nagsimula ngn gumapang palapit sa akin. Napaurong ako hanggang sa nakaabot na ang likod ko sa headboard ng kama.
“Mukha kang hindi hihiga lang sa itsura mo! Tigilan mo nga ko! Mamaya andiyan na ‘yong kasambahay!” mariin kong bulong sabay napatingin sa pintong nagawa palang maisara ni Emil.
Nagsalubong ang kilay ko sa itsura ni Emil na malagkit ang tignin sa akin habang nakangisi. Napatili ako ng hilain ang binti ko kaya napahiga ako sa kama. Hindi pannakuntento. Dumagan pa sa’kin talaga.
Tinakpan niya ang bibig ko.
“Sshhh! Tili ka ng tili wala pa nga!” Natatawang sabi ni Emil. Sinimangutan ko siya. Namayani ang halakhak nito sa buong kwarto.