Maaga pa din ako gumising kinaumagahan kahit na wala na akong trabaho. Kailangan kong umalis ng maaga dahil hindi alam ng pamilya ko na nawalan na ako ng trabaho. Maghahanap din ako ng mga hiring para hindi matengga ng matagal. Ako kasi ang tumutulong sa pag-aaral ng kapatid ko kaya naman hindi puwedeng pa-easy easy lang. Alas-siete ay bihis na ako ng pampasok. May bitbit ako na folder na naglalaman ng mga credentials ko. Wala akong ganang kumain kaya naman nagtimpla lang ako ng milo para mainitan ang sikmura ko. Mabilisan na ang ginawa kong pag-inom ng milo at agad umalis. Iiwas muna ako sa magulang ko dahil mahirap magsinungaling. Ganoon ako kapag may mga bagay na tinatago. Una kong pinuntahan ay ang isang recruitment agency mag-apply ako bilang admin, kaso mababa ang rate. Hin