Pumasok si ma'am sa loob ng opisina. Napakaseryoso ng kaniyang mukha. Yumuko ako dahil wala akong mukha na maiharap sa kaniya. "Are you two in a relationship?" tanong niya. Kalmado ito at mukhang hindi naman galit. Pero kahit pa gano'n ay hindi ko magawang magtaas ng aking mukha at harapin siya. Ano na lang kaya ang iniisip niya sa akin ngayon. Kinakabahan ako. Lalo sa tanong niya. My God! Nakakahiya ako. Hindi sumagot si sir Adrian, tinignan ko siya at nakita kong tumingin din siya sa akin. "No, ma'am," sagot ko. Hindi ko na tinignan si ma'am dahil namumula na ako sa hiya. Pakiramdam ko napakarumi kong babae na nagpapagamit sa anak niya kahit wala kaming relasyon. "Panagutan mo siya!" sigaw ni ma'am kay sir Adrian. Sa sobrang galit ay pasigaw na niya kausapin ang anak. "No wa