"May bisita ka pala Gianna," sabi ni Darren sa kanya habang nagkatingin ito kay Calvin. Nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalake. Mariin niyang pinikit ang mga mata at nagbuga ng hangin. Si Darren ang kababata niya sa San Sebastian. Kilala nito kung sino si Calvin, dahil nasa event ang kaibigan noong unang kasal nila ni Calvin. Nasaksihan ni Darren kung paano siya pinahiya ni Calvin noon. Sa Europe talaga naka stay ang kaibigan at sakto lang na nag bakasyon ito noon sa San Sebastian kaya naka attend ito ng kasal nila ni Calvin. Isa na rin si Darren sa dahilan niya kung bakit mas pinili niyang sa Europe tumira, dahil alam niyang andito si Darren at kahit papano kay makakasama siya. "Hindi ako basta bisita lang. I am her husband!" Mariing tugon ni Calvin kay Darren. "Of course I kn

