"Bitiwan mo na ko, Calvin!" Sigaw pa sa kanya ni Gianna, habang pilit siya nitong tinutulak at kumakawala sa pagkakahawak niya rito. "No, Gianna. Hindi kiya ko hahayaang ang asawa ko na mag stay rito kasama ang isang lalake!" Galit na sabi niya. Dahil sa Darren na iyon mas lalo siyang hindi mapapanatag ngayon. Isipin lang na kasama ng asawa niya ang lalaking iyon habang wala siya, ay nababaliw na naman siya. "Darren is my friend!" Gianna said. "Wala akong pakialam kung sino siya sa buhay mo Gianna! You are my wife!" Mariin niyang sabi sa asawa habang halos magpangabot na ang kanilang mga labi. Napalunok pa siya nang masulyapan ang mapulang labi ng asawa niyang sabik na sabik na niyang mahalikan muli. "Get off of me!" Sigaw naman ng asawa niya. Alam niyang hindi maganda sa buntis an

