Hindi niya alam kung paano nangyari at wala siyang nagawa nang sapilitan siyang isama ni Calvin sa airport pauwi ng Pilipinas. Tumatanggi naman siya pero napakamapilit ng asawa niya. Nasa kilos ng asawa ang dererminasyon na maisama siya pauwi ng Pilipinas. Masama kasi ang iniisip nito sa kanya at sa kaibigan niyang si Darren. Hindi nga siya binigyan ng pagkakataon ng asawa na matawayan si Darren para magpaalam man lang sa kaibigan. Kung anu-anong panakot pa ang sinabi sa kanya ng asawa para lang mas lalo siyang sumama rito. Although alam naman niyang inaatake lang ng selos ang asawa niya kay Darren kaya ito ganito kalupit sa kanya. Ganoon pa man nais pa rin niyang magmatigas para mas makita niya kung paano mag effort ang asawa niya sa kanya. "Water," alok sa kanya ni Calvin habang nasa

