"What dito ka matutulog?" Gulat niyang tanong kay Gianna nang matapos niyang matitigan ang magandang dalagang tila takot na takot. "Yes, Calvin, and you can say no. Hindi ako umaarte lang natatakot talaga ako sa kulog at kidlat," paliwanag nito sa kanya. "What?' Tanging nasabi niya nang biglang kumulog ng malakas mula sa labas. Napatili si Gianna at napayakap pa ito sa kanya ng mahigpit. Muntik pa ngang malaglag ang towel na nakapaikot sa bewang niya, buti na lang at nahawakan niya agad bago pa iyon mahulog, baka sabihan na naman siyang batos, manyak, pervert ni Gianna katulad kaninang nasa pool sila. Well, deserve naman niyang matawag na bastos kanina, dahil sa magaspang na salitang ginamit niya kay Gianna. Hindi nga rin niya malaman kung bakit ganoong pananalita ang lumabas sa bibig n

