Nanlaki ang mga mata niyang bigla siyang halikan ni Calvin sa labi. Kinabig pa siya nito lalo para mas maglapit ang kanilang mga labi. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan siya ni Calvin sa ganitong paraan. Pero ganoon pa man nabigla pa rin siya at na excite sa paghalik nito sa kanya na puno ng init at kasabikan. Lalo pang nakadagdag sa panlalaki ng mga mata niya ang matigas na bagay na naramdaman niya sa pagitan ng kanyang mga hita. Manipis lang ang undies niya kaya damang-dama niya ang katawan ni Calvin. Hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya, dahil magaling humalik si Calvin, kahit hindi siya marunong humalik ay napapasunod siya sa bawat galaw ng labi nito sa labi niya. Aaminin rin niya gusto niya ang paraan ng paghalik ni Calvin sa kanya. May angas na lalong nagpapasa

