"Just get all your things, Gianna!" Mariing utos ni Calvin sa kanya, hindi man sinagot ang tanong niya kung nagseselos ba sa ito kay Darwin. Ramdam kasi niya sa kinikilos ni Calvin na nagseselos ito kay Darwin. And of course walang nagseselos na aamin agad. "Fine," sabi niya rito dahil alam na niyang nais na nitong maiba ang usapan nila. Inikot na lang niya ang mga mata at tumalikod na kay Calvin para ihanda na ang mga gamit na kailangan niya. Nais pa sana niyang itanong ang sinabi ni Darwin kanina sa coffee shop, about sa hindi pag labas ng mga larawan nila ni Darwin sa news, internet at tabloid. Mukhang hinarangan ni Calvin ang mga iyon. Mamaya na niya itatanong sa binata iyon para maipaliwanag nitong mabuti sa kanya ang lahat. "Magdala ka na rin ng damit mo, sa bahay ka na muna matut

