Wala silang kibuan ni Gianna nang magtungo na sila sa bahay ng parents niya. Ramdam niyang galit sa kanya si Gianna, dahil sa naging agrumento nila kanina sa parking lot ng mall. Nawalan siya ng kontrol dahil kung anu-ano na ang sinasabi nito sa kanya, at pilit nitong sinasabi na nagseselos siya rito at kaya niya ginagawa ang mga bagay na iyon ay dahil may gusto na siya rito. Paano niya aaminin kay Gianna ang isang bagay na siya mismo ay naguguluhan pa. Hindi siya sigurado sa kung ano nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Masyado kasi siyang apektado sa tuwing nakikita si Darwin na palapit-lapit kay Gianna. Hindi rin niya nagustuhan ang pagbibigay ni Darwin ng bulaklak kay Gianna, lalo na't nakikita niya ang tuwa sa mga mata ni Gianna sa mga bulaklak. Nais niyang siya lang ang magi

