"Kanina ka pa walang kibo diyan Gianna?" Tanong niya sa dalaga habang tinatahak na nila ang daan pauwi. Pansin niya ang pananahimik ni Gianna kanina pa, matapos niyang sabihin na itutuloy nila ang kasal. Natuwa ang mga magulang niya at hindi na naman napigilan ng mga ito ang ma excite, lalo na ang Mama niya, nais na nga yatang magtawag ng designer ang Mama niya para ipahanda na ang wedding gown na isusuot ni Gianna. Samantalang si Gianna tahimik lang sa isang tabi. Patango-tango at konting ngiti lang. "Ano bang gusto mong sabihin ko, Calvin?" Tanong nito na may hindi maitago ang himig galit. Sinulyapan niya ito nasa magandang mukha nito ang galit. "Hindi ka ba natutuwa sa sinabi ko kanina na nais kong ituloy ang kasal natin, Gianna?" Tanong niya sa dalaga. "I don't want to talk about y

