"I'm scared, Calvin," bulong ni Gianna sa kanya habang mahigpit itong nakayakap sa kanya. "Shhh.. It's ok, sweetheart. Hindi ka na niya malalapitan pa ni Darwin," he said at lalo pang niyakap ng mahigpit ang asawa, para mabawas ang takot na nararamdaman nito. Hindi maganda ang makaramdam ng takot ang asawa ngayon buntis ito. Kanina matapos niyang makausap ang asawa agad siyang tumawag sa abogado niya na asikasuhin nito ang ginagawa ni Darwin sa asawa niya. Pati ang CCTV sa supermarket kung saan nakita ni Darwin si Gianna ay pinakukuha niya para gamiting ebidensya laban kay Darwin. Alam niyang may galit sa kanya si Darwin dahil siya mismo ang nagpatanggal na sa lalake sa RTV, ayaw kasi niyang i tolerate ang mga reklamo rito. Mas alaga kasi sa kanya ang kaligtasan at magandang image ng RT

