"Dapat lang na makulong na ang Darwin na iyan, Calvin. Hindi maganda na pagala-gala pa ang lalaking iyan," mariing sabi ng Papa niya kay Calvin nang dumating ang mga magulang niya sa bahay nila, para pasyalan sila. Nakarating sa mga magulang niya ang ginawa sa kanya ni Darwin. Ayaw na sana niyang iparating pa sa mga ito ang nangyari, dahil alam niyang mag pa-panic lang ang mga ito, lalo na't buntis siya. Iyon nga lang naipaalam ni Calvin ang nangyari sa parents nito, na agad ding napasugod sa bahay nilang mag asawa para kumustahin siya. Nakipagtulungan rin ang parents ni Calvin para makasuhan na agad si Darwin. At iyun na nga nakatawag agad ang Mama ni Calvin sa Mama niya kaya umabot na ng San Miguel ang nangyari sa kanya sa grocery. Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang mga magulang

