Lunes bago siya nagtungo sa opisina nakipagkita muna siya sa abogado niya at sumama sa presinto kung saan nakakulong si Darwin. Nasa kulungan na si Darwin ngayon, dahil sa patong-patong na reklamo ng mga babaing binastos at minolestiya nito. Mabuti na lamang at sinampahan din si Darwin ng kaso kaya madaling nakulong ito. Nais lang niyang makita ang lalaking nanakot sa asawa niya para sabihin rito na sa kulungan na ito mabubulok. "Mr. Ramirez," tawag sa kanya ng isang pulis habang nakaupo siya at hinihintay si Darwin. Nang mag angat siya ng ulo nakita niya si Darwin na nakaposas na at nakapagitna sa dalawang pulis. Ilang araw palang mula ng ipahuli niya si Darwin pero iba na agad ang itsura nito, malayo sa dating gwapong mukha nito na tinitilian ng marami. Pansin niyang hindi magawa ni Da

