"Are you ok, Calvin?" Tanong sa kanya ni Cherry habang nakaupo sila at nagsisimula ng uminom. "Yeah, I am ok," tugon niya at hinila ang basong may lamang alak saka tinungga iyon, habang hindi inaalis ang mga mata kay Gianna na nakaupo sa di kalayuan sa kanila ni Cherry. Kasama ni Gianna si Darwin, kaya hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Gianna. Maraming pwedeng mangyari in blink of an eye. Isama pang marami siyang naririnig patungkol kay Darwin kung gaano ito kabilis at ka expert sa mga babae. "Bakit hindi mo pa kaya lapitan si Gianna," napalingon siya kay Cherry nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "Ah?" Tanging nasabi niya. "Kanina mo pa kasi siya tinitignan, bakit hindi mo pa lapitan at nang mapanatag ka na diyan," Cherry said at tinawag pa nito ang waiter para humingi ito

