Binalewala niya nang lumapit si Calvin kasama si Cherry sa dance floor, nag focus siya kay Darwin na siyang kaharap niya at kasayaw. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang masamang tingin na pinukol ni Calvin sa kanya. Kitang-kita niya ang talim ng bawat tingin ni Calvin sa kanya kahit dimlight lang ang ilaw sa loob ng bar. "You are a great dancer, Gianna," bulong sa kanya ni Calvin. "Thanks," pasalamat niya habang hinahayaan lang niya ang lalake na makalapit sa kanya ng husto, isama pang halata niya ang paghawak-hawak ni Darwin sa bewang niya. Hindi na lang niya binibigyan ng pansin, dahil nais niyang ipakita kay Calvin ang bagay na iyon, para makita niya kung ano ang magiging reaksyon ng lalake. Nagpatuloy siya sa pag sayaw kasama si Darwin. Ine enjoy niya ang bawat sandali, lalo na't i

