Gianna-36

1414 Words

Pagbalik niya sa loob agad hinanap ng mga mata niya si Darwin. Kailangan niya si Darwin para painitin ang ulo ni Calvin at isama siya nitong umuwi, at iwan ang malditang si Cherry. Ramdam naman niyang sa pagiging mahinhin ni Cherry tiyak na nasa loob ang kulo nito, at napatunayan na niya iyon kanina sa way ng pagsasalita nito sa kanya about kay Calvin. Babae siya at ramdam niyang may gusto rin si Cherry kay Calvin. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit wala pa ring relasyon ang dalawa hanggang ngayon, samantalang ramdam naman niyang may gusto rin si Calvin kay Cherry. Nakita niyang wala na sa dance floor si Darwin at nasa mesa na ito kasama ang iba pang mga artista na kasama sa movie, nagkakasiyahan na ang mga ito habang umiinom. Napangiti siya. Tiyak na iikot ang tumbong ni Calvin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD